MANILA, Philippines - Kinubra na ng isang Yolanda victim ang tinamaan nitong P23 milyong jackpot prize sa 6/42 lotto draw noong Pebrero 21.
Ayon kay PCSO acting chairman at general manager Jose Ferdinand Rojas II, ang 56-anyos na government employee mula sa Eastern Samar na biktima ng super bagyong Yolanda ang tumama sa pamamagitan ng lucky pick sa kombinasyong 02-10-13-26-27-41 sa 6/42 lotto draw noong Feb. 21.
Plano ng bagong milyonaryo na magpatayo ng sariling bahay mula sa kanyang tinamaan dahil nawasak ng bagyong Yolanda ang kanilang bahay. Bibili rin ito ng house and lot sa Cebu City at magnenegosyo. Maglalaan din siya ng para sa kinabukasan ng kanyang 5 anak.