Nahati ang katawan... Kelot nagpasagasa sa tren

STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines - Eksaktong papara­ting ang tren nang lumundag at mag-sign of the cross bago humiga ang isang lalaki sa riles malapit sa Yuseco St., Tondo, Maynila kamakalawa ng gabi.

Nagkahiwa-hiwalay ang katawan ng hindi pa kilalang biktima na inilarawan na nasa pagitan ng edad 30-35, nakasuot ng  t-shirt at maong pants.

Sa ulat ni P/Supt.  Jose Villanueva, hepe ng Manila Police District–station 7, dakong alas-6:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa nasabing  railtrack ng Philippine National Railways (PNR) sa nasabing lugar.

Sa salaysay ng crossing keeper na si Eric Zaragosa, 35 na bago ang insidente ay nakita niya ang nasabing lalaki na nakatayo sa tabi ng riles at ilang minuto nang dumarating ang tren na galing southbound na may biyaheng Alabang ay bigla itong tumalon  at humiga sa riles  matapos siyang mag-sign of the cross.

Ayon sa mga nakakita na sinadya umano ng la­laki ang magpapasagasa.

 

Show comments