BBL hindi lulusot sa Kamara

MANILA, Philippines – Huwag na umanong umasa ang pamahalaang Aquino na maaaprubahan sa Kamara ang Bangsamoro Basic Law (BBL).

Ito ang inihayag ni House Majority Leader Neptali Gonzales at dapat na maging bukas sa posibilidad ang gobyerno na hindi makakalusot ang BBL sa Kamara.

Anya, bagamat hindi pa nila isinusuko ang BBL aminado naman ito na sadyang mahirap ang laban sa nasabing panukala na maaaring tulad umano ito ng ibang kumplikadong legislative measure gaya ng Reproductive Health Law na inabot ng ilang Kongreso bago naging ganap na batas.

Kung hindi naman umano makalusot ang BBL sa ilalim ng administrasyong Aquino ay hindi naman kaagad opsyon ang giyera sa Mindanao.

Idinagdag pa ni Gonzales, na kung magkaroon ng panibagong negosasyon sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) ay kailangan na umanong matuto ng leksyon ang susunod na negotia­ting panel.

Show comments