2 Abu utas, 6 sundalo sugatan sa bakbakan

MANILA, Philippines – Nasawi ang dalawang miyembro ng bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) habang 6 na sundalo mula sa Joint Task Group Basilan ang sugatan nang magsagupaan ng halos pitong oras sa Barangay Kuhon, Al Barka, Basilan.

Sa ulat na nakara­ting kay Lt. Col. Harold Cabunoc, Armed Forces of the Philippines (AFP) public affairs office chief na dakong alas-5:45 ng umaga nang makasagupa ng 100 sundalo ang mga ASG na pinamunuan ng isang Bashir Kasaran na nagresulta sa pagkasawi ng dalawang bandido sa pitong oras na bakbakan na  kung saan ay nailigtas ang 5 bihag ng ASG.

Show comments