^

Matagal na alitan tinapos sa saksak

(Pang-masa) - January 29, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines - Sinaksak ng isang lalaki ang matagal na niyang kaaway nang magkrus ang kanilang landas kahapon ng umaga sa  Panoypoyan Road, Bula, Camarines Sur.

Namatay noon din ang biktima na si Danilo Baldago, may-asawa, ng Brgy. San Roque  habang ang suspek na  kinilalang si Jose Cendon, 50, ng Zone 3 ay naaresto.

Batay sa ulat, dakong alas-8:00 ng umaga ay lulan ng kanyang motorsiklo ang biktima patungo sa kanyang trabaho  nang harangin ng suspek at walang sabi-sabing pinagsasaksak.

Nabatid na paghihiganti ang motibo ng suspek sa pagpatay sa biktima na matagal na nitong kaaway.- Francis Elevado-

 

BATAY BRGY BULA CAMARINES SUR DANILO BALDAGO FRANCIS ELEVADO JOSE CENDON NABATID PANOYPOYAN ROAD SAN ROQUE
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with