Ginang binaril muna bago inagawan ng bag

MANILA, Philippines - Binaril muna ng angkas sa motorsiklo ang isang ginang  at nang bumulagta ay inagaw ang bag nito naganap kamakalawa sa Malabon City.

Ang biktima na nakaratay sa ospital ay kinilalang si  Genalyn Murillo, 27, food vendor sa Del Monte Cockpit Arena sa Brgy. Potrero, Malabon.

Batay sa ulat, dakong ala-1:00 ng madaling araw ay papauwi na galing sa pagtitinda sa sabungan ang biktima at habang tumatawid sa MacArthur Highway, Brgy. Potrero ay nakarinig ito ng putok ng baril at bigla na lamang nakaramdam ng hapdi sa likod at pagkatapos ay bumagsak.

Ilang sandali ay lumapit ang mga suspek at pu­wersahang tinangay ang bag ni Murillo na naglalaman ng kanyang kinita na aabot sa P8,000, cellular phone at iba pang gamit.

 

Show comments