Kasambahay patay sa 5 akyat-bahay

MANILA, Philippines - Natagpuang patay ang isang 61-anyos na kasambahay nang pagsasaksakin ng limang magnanakaw na pumasok sa bahay ng kanyang amo kamakalawa sa Indang, Cavite.

Ang biktima na tadtad nang saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan ay kinilalang si Evangelina Guillacanao, stay-in na kasambahay sa bahay ni Evangeline Angulo, 75, sa Brgy. Buna Cerca.

Lumalabas sa imbes­tigasyon na sa pagitan ng alas-11:00 at 11:30 ng umaga nang pasukin ng nasa limang kalalakihan ang bahay ng mga Angulo na dumaan sa likurang pinto ng bahay na naiwang bukas.

Nagsisigaw si Guillacanao kaya’t agad na ito ay pinagsasaksak at pagkatapos ay pinuntahan ang kuwarto ng mag-asawang amo nito sa ikalawang  palapag.

Tinakpan ng mga suspek ang ilong ng mag-asawang Angulo na nagkunwaring nahimatay.

Pagkatapos ay nagsimula nang maghalughog ang mga suspek at kinuha ang laman ng vault na kalibre .38 baril, kuwintas na may diamond pendant (P25,000); sing­sing (P25,000); P2,000; 800 Australian dollar; 700 US dollar at passbook ng bangko.

Nang makaalis na ang mga suspek ay bumaba ang babae amo para hu­mingi ng tulong at dito ay nakita niya ang biktima na naliligo sa sariling dugo. - Cristina Timbang-

Show comments