2 bebot utas sa bala

MANILA, Philippines - Dalawang babae ang pinagbabaril at napatay sa magkahiwalay na lugar sa Quezon City at Maynila.

Sa QC, inilarawan ng pulisya ang biktima na nasa pagitan ng edad na 35-40, may taas na 5’0, payat, nakasuot ng kulay pink na sweat shirt at kulay na itim na pantalon.

Ayon sa salaysay ng mga residente na nakarinig sila ng  putok ng baril dakong alas-12:15 ng tanghali sa kahabaan ng Libyan St., kanto ng Sulu St., Salaam Compound at nang puntahan ay nakita ang bangkay ng biktima na duguang nakasalampak.

Natagpuang patay din ang isang babae sa Salas St., kanto ng Adriatico St, Ermita, Maynila matapos na ito ay barilin sa ulo habang naglalakad.

Inilarawan ang biktima na nasa sa edad 40, may taas na 5’1”, balingkinitan, nakasuot ng berdeng sweater, asul ang panloob na t-shirt at kulay purple ang pantalon.

Tumakas ang suspek sakay ng motorsiklo at nakita ng mga saksi ang angkas na nakasuot ng kulay dilaw na polo shirt at  short pants at nakasuot ng itim na jacket.

Batay sa ulat, dakong alas-8:45 ng gabi  sa nasabing lugar ay sinabayan ng dalawang suspek ang naglalakad na babae  at malapitang binaril sa ulo.

 

Show comments