_pang-masa
^

Jeep bumaliktad: 1 todas, 12 sugatan

Mer Layson (Pang-masa) - November 27, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines – Idineklarang dead-on-arrival sa pagamutan ang isang 18-anyos na konduktor ng jeep, habang nasugatan ang 12 katao matapos na bumaliktad ang sinasakyan nilang pampasaherong jeep sa kahabaan ng Marcos Highway, boundary ng Antipolo City at Cainta lalawigan ng Rizal.

Ang namatay ay kinilalang si John Mark Duldulao, binata, ng P. Oliveros St. Antipolo City.

Sa ulat, dakong alas-9:45 ng gabi ay matulin umanong bumabaybay ang jeep (DWW-624) na minamaneho ni Jefferson Estrada at pagsapit sa palikong kalsada ay tumaob ito.

Dahil sa nakasabit si Duldulao na siyang konduktor ng jeep ay labis itong napuruhan at dinala sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center, subalit namatay ito sa daan pa lamang.

AMANG RODRIGUEZ MEMORIAL MEDICAL CENTER ANTIPOLO CITY CAINTA DAHIL DULDULAO IDINEKLARANG JEFFERSON ESTRADA JOHN MARK DULDULAO MARCOS HIGHWAY OLIVEROS ST. ANTIPOLO CITY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with