Anak ng kawani ng DTI, itinumba

MANILA, Philippines - Dead-on-the spot ang isang 21-an­yos na estud­yante nang ito ay mala­pitang barilin ng hindi pa kila­lang suspek habang nakikipagkuwentuhan sa kanyang mga kaibigan kamakalawa ng gabi sa Purok Ubas, Brgy. Gubat, Daet, Camarines Norte.

Ang nasawi ay kinilalang si Mark Evan Abasolo, estudyante at anak ng isang emple­yado ng DTI-Camarines Norte at residente ng Holiday Homes Subd. Brgy. Lag-On, Daet. Ginagamot naman sa Camarines Norte Provincial Hospital ang isang nagngangalang Enrique Abiera matapos na masugatan nang barilin din ng suspek habang tumatakas.

Nabatid na kakatapos lamang na makipag inuman ang biktima sa bahay ni Niño Fermo kasama ang ilang kaibigan nang ito ay lumabas ng bahay at  nakipagkuwentuhan.

Biglang sumulpot ang suspek at walang kaabog-abog na binaril ang biktima sa ulo.

Habang tumatakas ang suspek ay sumugod si Abiera kung kaya’t binaril din ito.

Humihingi ng hustisya ang pamilya ng biktima sa pamunuan ni P/Supt. Paul Abay sa agarang pagkakahuli sa nasabing suspek na hanggang sa kasaluku­yan ay blangko pa rin ang mga otoridad kung ano ang motibo ng pamamaslang.

Show comments