Mister pinatay sa harap ng misis

MANILA, Philippines - Mismong kaharap ang misis nang pagsasaksakin ang isang mister ng dalawang hindi nakilalang suspek habang pauwi sa kanilang bahay sa Bacoor City, Cavite kahapon.

Ang biktima na namatay noon din dahil sa saksak sa dibdib ay kinilalang si Rased Sapadas, 42, construction worker at taga-Tabing Ilog, Brgy. Talaba II, ng nasabing lugar. Sa salaysay ng misis ng biktima, dakong alas-2:00 ng madaling araw ay pauwi na sila sa bahay matapos makipag-inuman ang mister sa isang kaibigan sa Kawa­yanan Longos, Brgy.  Zapote V.

Nadaanan nila ang dalawang lalaking nakaupo sa gilid ng kalsada at walang sabi-sabing lumapit sa biktima at pinagsasaksak ito bago mabilis na tumakas.

Show comments