Marcos, Romualdez masama ang loob kay P-Noy

Binabasbasan ng dalawang Pari ang mass grave ng mga nasawi sa bagyong Yolanda kasunod ng isinaga­wang  memorial mass sa paggunita ng unang anibersaryo ng pananalasa ng bagyong Yolanda sa Tacloban City, Leyte. (AP)

TACLOBAN CITY, Philippines –Ikinasama ng loob nina Senador Bongbong Marcos at Tacloban City Mayor Alfred Romualdez ang paglaktaw ni Pangulong Aquino sa lalawigan sa paggunita ng isang taon ng pananalasa ng Bagyong Yolanda.
Sinabi ni Marcos na masakit sa kanyang kalooban na hindi man lang inisip ng pangulo ang mga taga Tacloban na nagdadalamhati.

Giit pa ng Senador kahit man lang sana janitor ay hindi nagpadala ng kinatawan ang pangulo bagamat  dumating din sa misa si MMDA chairman Francis Tolentino ay personal ang pagtungo nito at hindi dahil sa kinatawan ito ni Aquino.

Para naman kay Romualdez, dapat na maging sensitibo ang isang bawat lider para sa mga nawalan hindi lamang ng tirahan kundi maging mga mahal sa buhay.

Mas mahalaga umano ang presensiya ng isang ama sa isang mahalagang okasyon ng anak dahil mahalaga ang pagbuo ng isang relasyon.

Tulad din umano ito sa nangyayari sa Tacloban na nagdadalamhati ang mga biktima ng Yolanda at mahalaga sa mga ito na makita ang pakikiramay ng itinuturing na ama ng bansa na si Pangulong Aquino.

Show comments