MANILA, Philippines – Dahil sa kabiguan na aksyunan sa tamang panahon ang may 191 kasong nasa kaniyang sala ay napatunayan ng Korte Suprema na guilty ang isang hukom na nakatalaga sa Lapu-Lapu City, Cebu.
Kinastigo ng SC si Judge Benedicto Cobarde, dating huwes ng Lapu-lapu City Regional Trial Court (RTC) Branch 53, na naging atrasado sa paghatol sa 73 criminal cases, 112 civil at special proceedings cases bukod pa sa 6 na cadastral cases o may kaugnayan sa lupa.
Nabatid na may 35 administrative case si Cobarde kaya’t pinatawan ito ng multang P100,000.
Nadiskubre ang santambak na mga kasong hindi naaksiyunan ni Cobarde nang siya ay mag-request ng certificate of clearance na kailangan para sa application for compulsory retirement benefits.