Pagtigil sa operasyon ng MRT 3, ok sa Malacañang

MANILA, Philippines – Sinuportahan ng Malacañang ang plano ng Department of Transportation and Communications (DOTC) na ipatigil muna ang operation ng MRT 3.

Ayon Kay PCOO Sec. Herminio Coloma Jr., na ang layunin naman ng gobyerno ay makapaghatid ng epek­tibo at ligtas na serbisyo sa mga commuters.

“Kaya hintayin po natin ang pahayag ni Secretary (Joseph Emilio) Abaya at ng DOTC kung anong hakbang ang kanilang inaakalang dapat na gawin para matamo ang layuning ito,” giit pa ni Sec. Coloma.

Kung makakabuti anya para sa lahat ay suportado ng pamahalaan lalo ang kapakanan at kaligtasan ng mamamayan ang nakataya.

Magugunita na kamakailan ay inihayag ng MRT 3 management na pansamantalang titigil ang operasyon upang kumpunihin ang sirang mga riles.

Show comments