^

Suspek sa pagpatay sa nanay ni Cherry Pie Picache, tiklo

Joy Cantos at Angie dela Cruz (Pang-masa) - October 9, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines – Nalambat na ng pulis­ya matapos ang mahigit 19 araw ang pangunahing suspek sa pagpatay sa ina ng aktres na si Cherry Pie Picache kamakalawa ng gabi sa Brgy. Malusak, Sta Rosa City, Laguna.

Ang suspek na si Michael “Icoy” Flores, 29-anyos, ay namataan habang naninigarilyo sa labas ng Garden Villa 3 Subdivision sa nasabing lugar.

Nabatid na  nakatanggap ng impormasyon ang mga otoridad na sa nasabing lugar nagtatago ang suspek nang dak­pin ng pinagsanib na pwer­sa ng Philippine National Police (PNP) Sta. Rosa, Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) at National Bureau of Investigation (NBI).

Si Flores umano ang nagmamay-ari ng duguang damit at shorts na nakita sa loob ng tirahan ng 75-anyos na si Zenaida Sison sa Quezon City kung saan ito pinagsasaksak noong Setyembre 19 habang nasa  kasagsagan ng  hagupit ng bagyong Mario na nagpalubog sa malaking bahagi ng Metro Manila.

Si Flores ay tagalinis sa tahanan ng biktimang si Sison.

Matatandaang tina­ngay nito ang pera at alahas ng biktima na tinatayang nagkakahalaga ng P500,000. 

CHERRY PIE PICACHE GARDEN VILLA METRO MANILA NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION PHILIPPINE NATIONAL POLICE QUEZON CITY QUEZON CITY POLICE DISTRICT-CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT SI FLORES STA ROSA CITY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with