Drug pusher ‘di nagremit, itinumba

MANILA, Philippines – Dahil sa umano’y hindi nakapagremit nang pinagbentahan ng shabu na aabot sa P3,000.00 ay pinagbabaril ang isang drug pusher ng hindi pa kilalang suspek kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Ang biktima ay kinila­lang si Francisco Allita, 33, residente  ng no. 209 Matiisin St. Tondo, Maynila.

Ang suspek na tumakas ay kinilalang si Winefredo Vegas, alyas “Emcee”, na kaswal lang naglakad matapos barilin ang suspek sa dibdib.

Sa ulat, bago nangyari ang pamamaril dakong alas-8:40 ng gabi sa panulukan ng Mabuhay at Matiisin Sts., Tondo, Maynila ay pinuntahan ng suspek ang biktima sa bahay nito para singilin ang P3,000.00 sa pinagbentahan nito ng shabu.

Sa halip na magbayad umano ang biktima ay sinigawan pa nito ang suspek na naging dahilan para magkaroon ng pagtatalo hanggang sa bumunot ng baril at pinaputukan sa dibdib ang una.

Naisugod sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) subalit namatay din dakong ala-1:00 ng madaling-araw kahapon

Show comments