Sanggol na dadalhin sa ospital, todas sa bangga

MANILA, Philippines - Isang 3 buwang gulang na sanggol na dadalhin sa ospital para ipa-check up ang karamdaman nito ang nasawi matapos ang sinasakyang motorsiklo nila ay sumalpok sa isa ring motorsiklo kamakalawa sa Zamboanga City.

Ang biktima na hindi na umabot ng buhay sa ospital dahil sa seryosong sugat sa katawan ay kinilala sa pangalang Baby Boy.

Batay sa ulat, bandang alas-6:40 ng gabi ay lulan ng Honda XRM 125 (092802 temporary plate) na minamaneho ni Jhayden Enopia, 22-anyos nang makabanggaan ang  motorsiklong Honda Wave 100 (4023JN) na minamaneho naman ni Richard Gaspar, 31, security guard at angkas si Marvin Tayco karga ang ang maysakit na 3 buwang batang lalaki na isusugod ng mga ito sa hospital nang mangyari ang sakuna.

Sa lakas ng pagkakabangga ay tumilapon ang sanggol.

 

Show comments