_pang-masa
^

Totoy dedo sa jeepney

Joy Cantos (Pang-masa) - September 27, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Halos malasog ang katawan ng isang 5-anyos na batang lalaki nang  masagasaan ng isang rumaragasang jeepney sa national highway ng Brgy. Matingain 1, Lemery, Batangas nitong Huwebes ng hapon.

Ang biktimang si Leon Cuevas, kinder, ay idineklarang dead on arrival sa Batangas Provincial Hospital dahil  sa tinamo nitong mga sugat, pagkadurog ng buto at gasgas sa katawan bunsod ng pagkakasagasa.

Ang insidente ay naganap sa kahabaan ng highway ng nasabing lugar dakong alas-3:20 ng hapon habang binabagtas ng jeep (DXX-723) na minamaneho  ng driver na si Leonardo Par, 59, galing sa bayan ng Lemery patungong Calaca.

Bigla na lang umanong tumawid ang bata hanggang sa hindi na nakayanan ni Par na maipreno ang jeep at masalpok ang biktima na nagresulta ng matin­ding sugat sa ulo nito at mapisak ang katawan.

Inaresto naman ng mga nagrespondeng operatiba ng pulisya ang driver ng jeepney na ngayo’y nahaharap sa kasong criminal.

BATANGAS BATANGAS PROVINCIAL HOSPITAL BIGLA BRGY CALACA HUWEBES LEMERY LEON CUEVAS LEONARDO PAR
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with