16 Barangay sa Valenzuela wala pa ring pasok

MANILA, Philippines - Ngayong araw ay wala pa ring pasok ang mga pampubliko at pribadong paaralan sa Valenzuela City dahil sa patuloy na pagbabaha ng ilang lansangan dulot ng ma­tinding ulan ng bagyong Mario at habagat.

Sa advisory ng Valenzuela City sa kanilang Twitter account, kabilang sa walang pasok ang mga estudyante ng Daycare, Pre-School, Elementarya at High School.

Kabilang dito ang mga barangay: Wawang Pulo; Balangkas; Parancillo Villa; Palasan; Arkong Bato; Pulo; Poblacion; Mabolo; Coloong; Isla, Tagalag; Bisig; Malanday; Pasolo; Rincon; at Dalandanan.

 

Show comments