Call center agent tiklo sa shabu

MANILA, Philippines - Kalaboso ang isang babaeng call center agent na suma-sideline sa pagbebenta ng iligal na droga matapos na maaresto sa isang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Cubao, iniulat kahapon.

Ang suspek ay nakila­lang si Jenny Tecson, alyas “Jelai,” ng Block 2, Lot 9, Escopa IV,  Project 4, sa lungsod.

Nadakip ang suspek ng tropa ng PDEA Regional Office-National Capital Region (PDEA RO-NCR) sa may isang fastfood restaurant sa kahabaan ng General Mcarthur Avenue, Cubao, ganap na alas 5:30 ng hapon.

Dito ay nagbenta ang suspek ng shabu na may timbang na 175 grams sa PDEA agent na nagkunwaring bibili ng halagang P500,  sanhi para siya ares­tuhin.

Ang operasyon ay kasunod ng pagkakasamsam ng PDEA noong Lunes sa shabu na nagkakahalaga ng P5 milyon sa dalawang pinaghihinalaang drug pusher sa may isang fast-food chain sa loob ng Ali Mall sa Cubao.

Kasong paglabag sa section 5, o selling dangerous drugs, sa ilalim ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kinakaharap ngayon ng suspek.

Show comments