Jeep nahulog sa tulay: 20 sugatan

MANILA, Philippines - Nasugatan ang may 20 pasahero nang mahulog ang sinasakyan nilang jeep sa isang tulay sa Brgy. 9, Tigbauan, Iloilo.

Sa ulat, bandang alas-5:30 ng hapon  habang buma­bagtas ang pampasaherong jeepney (FEW-924)  na minamaneho ni Jose Rolly Feldad, 32 nang mawalan ito ng kontrol sa manibela dahilan para salpukin ang barandilya ng tagiliran ng Sibalom Bridge at tuloy-tuloy itong nahulog may 10 talampakan ang taas.

 

Show comments