Bulag todas sa ligaw na bala

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang bulag nang tamaan ito ng ligaw na bala na pinaputok ng isang lalaki sa kaaway nitong call center agent kamakalawa sa Brgy. Lahug, Cebu City.

Namatay noon din ang biktima na  kinilalang si Diosdado Cimafranca Jr., 56-anyos dahil sa tama ng bala sa ulo.

Nadakip agad ang suspek na si  Antonio Quitor Jr. na nakorner ng mga nagrespondeng pulis.

Sa ulat, bago ang aksidente bandang alas-7:00 ng umaga ay naghihilamos ng mukha ang bagong gising na biktima sa kanilang bahay nang umalingawngaw ang isang putok ng baril na kung saan ang bala ay tumama sa ulo nito.

Lumalabas sa imbestigasyon, kasalukuyang nag­lalakad ang isang Michael Lagahit, call center agent nang barilin ito ng suspek na matagal ng may galit sa una.

Subalit, hindi tina­maan si Lagahit at ang bala ay tumama sa biktima na kasalukuyang naghihilamos.

Show comments