Bagong bagyo darating sa Linggo

MANILA, Philippines - Nagbabantang pumasok sa darating na Linggo sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagong bagyo.

Sa pahayag ni Gener Quitlong, weather forecaster ng PAGASA, ang bagyo ay nasa bahagi ng Pacific Ocean at inaasahang lalakas pa oras na pumasok sa bansa.

Kapag pumasok na sa PAR ang nasabing bagyo ay tatawagin itong bagyong Jose.

Kahapon ito ay nagtataglay ng lakas ng ha­ngin na umaabot sa 85 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 100 kilometro bawat oras.

Bagamat wala pa sa loob ng PAR ang bagyo ay pinaiigting naman nito ang hanging haba­gat kayat nakakaranas ng mga pag-uulan ang ibat ibang bahagi ng bansa laluna sa Luzon kasama na ang Metro Manila, Pampanga at Nueva Ecija at ang western Visayas.

Show comments