7 Makabayan bloc nag-walkout

MANILA, Philippines - Ilang minuto bago ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Aquino ay nag-walkout ang 7 kongresista na miyembro ng Makabayan bloc.

Kabilang sa mga nag-walkout ay sina Bayan Muna partylist Reps. Neri Colmenares at Carlos Zarate, Act partylist Antonio Tinio, Gabriela party­list Reps. Emmi de Jesus at Luz Ilagan, Kabataan partylist Rep. Terry Ridon at Anakpawis Fernando Hicap.

Anila, ang kanilang pag-walkout ay bilang pagtutol sa pekeng agenda ng pangulo at dahil na rin sa nadungisanng kontrobersiya tulad ng DAP at pork barrel scam.

Kaagad lumabas ng Batasan complex ang mga mambabatas at saka nakisali sa mga rali­yista sa Commonwealth Avenue na sumisigaw ng impeachment at pagpapatalsik sa pangulo.

 

Show comments