Professionals libre ngayon sa MRT

MANILA, Philippines - May handog na libreng sakay ngayon (Lunes) ang Metro Rail Transit (MRT-3) sa mga registered Filipino professionals sa bansa bunsod ng pagdiriwang ng Professional Consciousness Week.

Ayon sa pamunuan ng MRT, kinakailangan lamang na magprisinta ng Identification cards ang mga rehistradong propesyunal sa mga MRT guards upang mai-avail ang libreng  sakay.

Magbibigay ang mga guwardiya ng boarding pass bago makasakay, na kanila ring isu-surender sa service gate bago lumabas ng istasyon ng MRT-3.

Ang libreng sakay ay mula alas-7:00 hanggang alas-10:00 ng umaga at mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-8:00 ng gabi.

Ipatutupad ang free rides dahil na rin sa pakikipag-ugnayan ng Professional Regulation Commission (PRC) sa MRT-3 at Department of Transportation and Communications (DOTC).

Nagpaalala naman ang PRC na sa mga registered professionals na dapat na valid at updated ang PRC IDs na ipiprisinta nila sa mga guwardya upang payagan silang makasakay ng libre sa tren.

 

Show comments