3 rebelde Todas SA engkwentro

MANILA, Philippines -  Napatay sa engkuwentro ang tatlong miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) nang makasagupa ang tropa ng militar sa lalawigan ng Surigao del Norte at Northern Samar, kamakalawa.

Sa ulat, dakong alas-6:45 ng umaga nang makasagupa ng tropa ng Army’s 30th Infantry Battalion (IB) sa Mt. Taglintian, Brgy. Tagbuyawan, Mainit, Surigao del Norte.

Kasalukuyang nagpapatrulya sa lugar ang tropa ng mga sundalo sa pamumuno ni 2nd Lt. Jake Ramcel Guellega nang makatanggap ng report sa mga sibilyan hinggil sa armadong presensya ng nasa 20 rebelde sa lugar.

Agad na nagkaroon nang palitan ng putok nang mahigit kalahating oras ang magkabilang panig  na ikinasawi ng dalawang rebelde.

Sa isa pang insidente, nakasagupa rin ng Army’s 34th InfantryBattalion ang mga rebeldeng NPA sa Brgy. Osang, Catubig, Northern Samar dakong alas-10:32 ng umaga kamakalawa na ikinasawi ng isa sa mga kalaban pagkaraan ng 15 minutong palitan ng putok.

Show comments