Naghamon ng away, pinatay

MANILA, Philippines - Mistulang minadali ng isang barangay tanod ang kanyang buhay nang mapatay ng hindi pa kilalang suspek matapos maghamon ng away kamakalawa sa Brgy. Bulawan, Lapuyan, Zamboanga del Sur.

Namatay noon din dahil sa tama ng bala sa ulo at dibdib ang biktimang si Donald Gantonoc, 44, residente ng nasabing lugar.

Sa ulat, dakong alas-7:00 ng gabi ay lasing na lasing ang biktima na armado ng patalim at naghahamon ng away sa kanilang lugar.

Ilang sandali habang patuloy ang paghamon ng biktima ay bigla na lamang umalingawngaw ang sunud-sunod na putok  mula sa hindi pa kilalang suspek na agad ikinasawi ng una.

Ang biktima ay napag-alamang isang ex-convict  sa kasong murder sa kanilang lugar at ng makalabas ng piitan ay naging barangay tanod.

 

Show comments