Pang-aagaw ng teritoryo ng China idudulog ni P-Noy sa ASEAN Summit

MANILA, Philippines - Inaasahang idudulog ni Pangulong Benigno S. Aquino III sa Association of Southeast Asian Nations summit  ang ginagawang pang-aagaw ng terirtoryo ng China.

Umalis kahapon patungong Myanmar si Pangulong Aquino at sa kanyang pahayag bago umalis ng bansa ay sinabi nito ang kahalagahan na masunod ang batas sa isyu ng agawan ng teritoryo.

Isusulong  din ng Pangulo ang pagkakaisa ng mga bansang kasapi ng ASEAN at personal din pasalamatan ang mga kalapit bansa na tumulong sa mga naging biktima ng bagyong Yolanda.

 

Show comments