Water level sa Angat Dam, lalo pang bumaba -PAGASA

MANILA, Philippines -  Lalo pa umanong bumaba ang water level sa Angat Dam sa Bucalan na nagsu-suplay ng tubig sa Metro Manila at karatig probinsya.

 Base sa monitoring ng PAGASA,  alas-6:00 ng umaga ay 182.61 meters above sea level halos malapit na ito sa 180 meters na critical level ng dam.

Ayon sa PAGASA, bagama’t nagkakaroon ng paminsan-minsang pag-ulan sa ilang bayan na nasa paligid ng Dam pero hindi naman anya ito nakakatulong para mapataas ang level ng tubig.

Nangangamba ang PAGASA na posibleng umabot na sa critical elevation ang dam sa ikalawang linggo ng Mayo.

  Sa sandaling magpatuloy ang pagbaba ng level ng tubig ay maaaring mabawasan din ang suplay ng tubig sa mga irigasyon sa mga palayan.

 Samantala, inilunsad na rin ng PAGASA ang El Niño watch kasunod ng banta ng tagtuyot sa bansa.

 Ayon kay senior weather specialist Analiza Solis, nakamasid na ang kanilang tauhan sa posibleng El Niño sa huling quarter ng 2014 sa pamamagitan ng climate models.

 

Show comments