Mag-asawa niratrat habang natutulog

MANILA, Philippines - Hindi na nagising pa sa mahimbing na pagkatulog ang isang mag-asawa nang pasukin ang kanilang kuwarto ng mga suspek at pagbabarilin kamakalawa sa Dumalinao, Zamboanga del Sur.

Namatay noon din dahil sa mga tama ng bala ang mag-asawang William, 48 at misis nitong si Cilliom Canta-On, 50; pawang residente sa Purok Uno, Brgy. Motosawa, Dumalinao.

Sa ulat, alas-8:00 ng gabi ay kasalukuyang natutulog ang mag-asawa ng pagbabarilin ng mga suspek at hindi isinama ang dalawa nilang anak.

Narekober sa pinangyarihan  ang 20 piraso ng basyo ng bala ng cal. 45 pistol.

Show comments