Napoles takot nang humarap sa Senado

File Photo

MANILA, Philippines - Matapos ang ginawa nitong ‘tell all affidavit’ kay Justice Secretary Leila de Lima ay mas nais ng kampo ng tinaguriang pork barrel scam queen na si Janet Lim Napoles na ‘proper forum’ ang mag-imbestiga sa kaso. 

Ayon kay  Atty. Bruce Rivera, tagapagsalita ni Napoles,  takot ang bumabalot ngayon sa kanyang kliyente sakaling paharapin sa Senado matapos na sumulat sa Senate Blue Ribbon Committee si Senadora Miriam Defensor Santiago na muling paharapin si Napoles.

Sinabi ni  Rivera na takot nang humarap si  Napoles na  dahil  dawit ang  ilang mga senador  na  magsasagawa  rin ng  imbestigasyon kaya’t posible  na  proper investigating body ang Ombudsman, DOJ at NBI. 

“Unfair” anyang tawa­ging sinungaling ang kanyang kliyente kung babalikan ang mga naging pagtanggi at pananahimik ni Napoles sa unang pagharap nito sa Mataas na Kapulungan.

Hindi anya ito sa walang karapatan ang Senado na mag-imbestiga ngunit “at this point mas may delicadeza ang DOJ at Ombudsman ang mag-imbes­tiga.

 

Show comments