Brgy. chairman inutas sa daan

MANILA, Philippines - Namatay noon din ang isang barangay chairman matapos na pagbabarilin ng hindi pa nakila­lang mga salarin  habang pauwi sa kanilang bahay kamakalawa ng gabi sa Brgy. Molinete, Laurel, Batangas.

Ang nasawi ay kinilalang si Roberto Garcia, barangay chairman ng Barangay Molinete sa  bayang ito.

Sa ulat, bandang alas-10:30 ng gabi kasalukuyang pauwi na ang biktima lulan ng motorsiklo galing sa panonood ng basketball game nang harangin at pagbabarilin ng suspek.

Ayon pa sa pulisya ay may lead na sila sa kaso subalit tumanggi muna itong isapubliko.

Show comments