MANILA, Philippines - Muling pinalawig ng Manila City Regional Trial Court ang “freeze order†sa mga ari-arian ni Janet Lim-Napoles na tinaguriang pork barrel scam queen kaugnay sa pagkakadawit nito sa multi-billion peso “pork barrel†scandal.
Una nang nag-isyu si Branch 22 Executive Judge Marino Dela Cruz, Jr., ng Provisional Asset Preservation Order (PAPO) laban sa mga ari-arian ng negosyante, daÂting Agusan del Sur Rep. Rodolfo Plaza,dating social secretary Ruby Tuason, Energy Regulatory Commission head Zenaida Cruz-Ducut, iba pang personalidad at mga kompanyang nauugnay sa eskandalo.
Ang Provisional Asset Preservation Order (PAPO) ay alinsunod na rin sa inihaing Petition for Forfeiture of Assets na inihain ng Anti-MoÂney-Laundering Council (AMLC).
Sinabi rin ni Napoles na nahaharap sa plunder at graft charges sa Office of the Ombudsman. Sinama rin ng AMLC sa freeze order ang kaniyang mga ari-arian na matagal na niyang naipundar bago pa man pumutok ang kontroÂbersiyal na multi-billion peso pork barrel scam.
Kabilang rito ang mga ari-arian na kaniyang nabili sa pamamagitan ng bank loan noong 2002 na nagkakahalaga ng P9.935 milÂyon.