Taguig fire: 2 patay

MANILA, Philippines - Nasawi ang dalawang katao habang nasugatan ang tatlong iba pa sa naganap na sunog sa Taguig City kamakalawa ng gabi.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Pakirim Kudarat, 61 at Norayda Diamla, 40, pawang residente ng Barangay Maharlika Village ng lungsod.

Ang mga nasugatan ay kinilalang sina Camila Tabawa; Alan Pomene; at Suraida Solayman.

Sa ulat, naganap ang sunog dakong alas-9:25 ng gabi sa  Mindanao Avenue, Barangay Mahalika Village na kung saan ay na-trap sa nasusunog nilang bahay ang mga nasawi.

Patuloy ang imbestigasyon kung paano nagsimula ang apoy na tumupok sa 72 kabahayan at dakong alas-11:00 ng gabi nang  ideklarang fire out ang sunog.

 

Show comments