Lumang bus, ipagbawal ng bumiyahe-Solon

MANILA, Philippines - Inihayag ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone na panahon na upang ipagbawal ng bumiyahe ang mga imported at lumang bus na siyang pinagmumulan ng malalagim na aksidente sa lansangan.

Sinabi ni Evardone, dapat na habulin ng Department of Transportation and Communication(DOTC), Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) at Land Transportation Office (LTO) ang mga kumpanya ng bus na mayroong unit na ikinokonsidera ng mapanganib sa publiko.

Dapat din umanong magkaroon ng programa ang mga nabanggit na ahensiya ng gobyerno para maalis ang mga luma ng bus na maituturing na “rolling coffins” .

Marapat din umanong magkaroon ng massive modernization program ang gobyerno para sa mga reconditioned at kolorum na mga bus upang mabigyan  ng desente at ligtas na transportasyon ang publiko habang ang mass transit system sa bansa ay  hindi pa naisasaayos.

Show comments