2 MILF dedo, 2 CVO sugatan

MANILA, Philippines - Nasawi ang dalawang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) habang nasugatan ang dalawa namang Civilian Volunteers Organization (CVO)  sa naganap na bakbakan ng magkalabang angkan sa lalawigan ng Cotabato kamakalawa ng gabi.

Sa ulat, bandang alas-6:40 ng gabi nang magbakbakan ang grupo ng MILF sa pamumuno ni Commander Abas Kudanding ng 105th Base Command na nag-ugat sa pagpapaulan ng mga ito ng bala sa mga CVO’s  sa Brgy. Lumupog, Midsayap ng nasabing lalawigan.

Ang mga CVO’s ay pinamumunuan ni Brgy. Chairman Rhenz Tukuran na mabilis namang gumanti sa mga umaatakeng MILF.

Show comments