Ex-cop, bebot timbog sa shabu

MANILA, Philippines - Naaresto ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang drug raid ang sinibak na pulis at kasama nitong babae sa Antipolo City.

Ang mga naaresto ay kinilalang sina  dating SPO1 Robert Lauigan, alias Don Robert, 48; at Sally Ligada, 36; pawang mga residente sa No. 251 Purok Sumulong, Barangay Dela Paz, Antipolo City, Rizal.

Ang dating pulis na si Lauigan ay kasama sa target ng “Case Operation Plan: Over the Bakod” at ika-pito sa listahan na puntirya ng ahensya sa CALABARZON.

Ang dalawa ay nadakip ng mga operatiba ng PDEA Regional Office 4A (PDEA RO4A) sa pamumuno ni Director Adzhar Albani, sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Cynthia Mariño-Ricablanca ng RTC Branch 27, Sta.Cruz, Laguna.

Nabatid na sinalakay ng PDEA dakong ala-1:00 ng hapon ang bahay ng dalawa at dito ay nasamsam ang mga sachets ng shabu, at mga drug  paraphernalias.

Isa sa mga kliyente ng mga suspek ang isang PO1 Edwin Paragas na nakipagpalitan ng putok sa mga PDEA agents bago tuluyang nakatakas.

Show comments