Anak nakikipaglamay sa tatay, pinatay

MANILA, Philippines - Pinaglalamayan na rin ang isang anak nang ito ay pagbabarilin habang nakaupo sa tabi ng kabaong ng namatay na ama kahapon ng madaling-araw sa Navotas City.

Ang biktima na namatay noon din ay nakila­lang si Alfredo Leongson, 48,  ng Leongson  Extention St., Barangay  San Roque.

Batay sa ulat, alas-3:30 ng madaling-araw, habang nakaupo ang biktima sa tabi ng kabaong ng kanyang ama na pinag­lalamayan sa kapilya sa kanilang lugar ay biglang  sumulpot ang suspek sa bintana at pagbabarilin  na ikinasawi nito.

Show comments