Niratrat ng 4 lalake... Pulis tinaniman ng 22 bala

Sinisiyasat ng pulis na ito ang sasakyan ng nasawing si SPO4 Eduardo Torio matapos na pagbabarilin ng apat na kalalakihan na sakay ng dalawang motorsiklo kahapon sa Quezon City.- BOY SANTOS-

MANILA, Philippines - Namatay noon din ang isang pulis matapos na ito ay pagbabarilin ng apat na lalaki na sakay ng dalawang motorsiklo sa naganap na ambush kahapon ng umaga sa Brgy. Batasan Hills, Quezon City.

Ang biktima ay kinilalang si SPO4 Eduardo Torio, hepe ng Task Force Commonwealth Office ng QC  Hall. Nagtamo si SPO 4 Torio ng 22 bala ng kalibre 45 baril sa  ulo at katawan.

Sa imbestigasyon,  dakong alas-8:30 ng umaga ay minamameho ni SPO4 Torio ang kanyang owner type jeep para mag-report sa TFC HQ sa tapat ng Barangay Hall at habang binabaybay ang  Kalayaan St.. ay bigla na lamang humarang  ang apat na lalaki na sakay  sa 2  motorsiklo na pawang naka-helmet at  agad na pinaulanan ng bala ang pulis.

Nang masigurong wala ng buhay ang pulis ay pinaharurot ng mga suspek  ang kanilang motorsiklo na hindi naplakahan.

Show comments