Binata pinabulagta

MANILA, Philippines - Bulagta ang isang 23-anyos na binata matapos na barilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa Binondo,  Maynila, kamakalawa ng gabi.

Ang biktima ay kinilalang si Ruben Bolivar, residente ng Area B, Gate 46, Parola Compound, Binondo.

Sa ulat ni PO3 Lester Evangelista, ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-8:50 ng gabi nang maganap ang insidente sa eskinita ng Gate 50, Area B, Parola Compound, Binondo.

Habang nakatingin umano sa video game ang  biktima para sa kaniyang ipinupusta ay hindi nito napansin ang paglapit sa kanya ng suspek at malapitang pinutukan ng dalawang ulit sa ulo.

Patuloy pang iniimbestigahan ang insidente upang matukoy ang pagkilanlan ng suspek  na tumakas matapos ang pamamaril.

Show comments