Rider nakipagkarera kay kamatayan

MANILA, Philippines -Nabasag ang bungo ng isang motorcycle rider matapos na tumilapon nang sumalpok sa bangketa ang minamanehong motorsiklo kahapon ng umaga sa Barangay Palatiw, Pasig City.

Ang biktima na walang suot na helmet at nasawi noon din ay nakilalang si Errol Canoniga, 21, ng 7 Villa Silva ng nasabing lugar.

Sa ulat ng pulisya, bago nangyari ang aksidente dakong alas-3:00 ng madaling-araw  sa kahabaan ng M.H Del Pilar St., sa naturang barangay ay mabilis umanong binabaybay ng biktima ang minamanehong Suzuki Raider (7543 NB) dahil sa may kinakarera itong mga rider din sa lugar nang mawalan ng kontrol at sumalpok sa bangketa.

Show comments