Trader na sideline ay shabu, tiklo

MANILA, Philippines - Naaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang negos­yante sa isang shabu bust operation sa Biliran.

Ang suspek ay nakila­lang si Eleodoro Suliva alyas Boy Negro, 28, may asawa, isang self employed entrepreneur ng Brgy. Busali, Biliran.

Ang suspek ay naaresto nang makipagtran­sak­siyon sa isang PDEA agent na umaktong poseur buyer ng shabu at nakumpiska ang dalawang plastic sachet ng shabu,  isang black Honda motorcycle at isang P1,000 bill na ginamit sa buy-bust money.

 

Show comments