Hubo’t hubad na bangkay ng 2 lalaki sa basurahan

Sinisiyasat ng isang tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang hubo’t hubad na bangkay ng dalawang lalaki na biktima ng salvage na itinapon sa tambak ng mga basura sa madilim na bahagi ng flyover ng Aurora Boulevard,Quezon City kahapon ng umaga. -Bening Batuigas-

MANILA, Philippines -Dalawang bangkay ng lalaki na kapwa hubo’t hubad na isinilid sa garbage bag ang natagpuan sa tambak ng mga basura sa Quezon City kahapon ng madaling-araw.

Batay sa ulat, dakong ala-1:00 ng madaling-araw nang matagpuan ang dalawang bangkay ng lalaki na nakasilid sa garbage bag at itinapon sa tambak ng mga  basura malapit sa flyover ng Aurora Boulevard, Cubao.

Inilarawan ang unang biktima na nabalutan ng packaging tape ang mga kamay at paa, may taas na 5’6”, may tattoo sa likod ng BNG (Bahala na Gang), medium built, at kayumanggi ang kulay ng balat. 

Habang ang isa naman ay may taas na 5’4”, may kaputian ang balat, at nasa pagitan ng edad na 25-30.

Ang dalawang biktima ay kapwa tadtad ng tama ng saksak sa kanilang mga dibdib at may bakas din ng sugat sa leeg na indikasyon ng pananakal.

Show comments