Libre sa LRT bukas ang mga matatanda

MANILA, Philippines - Bibigyan ng libreng sakay bukas ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang mga matatanda o senior citizen, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Elderly Filipino week.

Sinabi ng LRTA, ang libreng sakay sa LRT at MRT sa mga senior citizen ay magsisimula ng alas-5:00 ng madaling araw hanggang alas-10:00 ng gabi.

Ayon kay LRTA spokesman Hernando Cabrera, kinakailangan lamang na magprisinta ng mga senior citizens ng citizen’s ID cards upang makapag-avail ng naturang libreng sakay.

Ang Elderly Filipino Week ay ipinagdiriwang mula Oktubre 1 hanggang 7.

 

Show comments