^

Police Metro

Malampaya scam... GMA, et al, kinasuhan ng plunder

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ipinagharap kahapon ng kasong plunder ng National Bureau of Investigation (NBI) sa tanggapan ng Ombudsman si dating Pa­ngulong  Gloria Macapagal-Arroyo (GMA) at kaugnay ng P900 million Malampaya fund scam.

Maliban kay GMA, kinasuhan din sina dating Exe­cutive Secretary, Eduardo Ermita, dating  Budget Secre­tary Rolando Andaya at dating Agrarian Reform Secretary Nasser Pangandaman, dating Agrarian Reform Undersecretary  Rafael Nieto, DAR finance officer Teresita Panlilio, Budget Undersecretary Mario Relampagos.

Maging ang negosyanteng si Janet Lim-Napoles na pinuno ng umano’y mga bogus non-governmental organizations ay kinasuhan din.

Sinasabing ang P900-milyong pondo ay dapat na nailaan sa mga benepisyaryo ng nagdaang kalamidad sa bansa partikular ng bagyong Ondoy noong 2009  pero napunta lamang umano ang pondong ito kay Napoles sa pamamagitan ng mga pekeng NGO’s nito.

AGRARIAN REFORM SECRETARY NASSER PANGANDAMAN

AGRARIAN REFORM UNDERSECRETARY

BUDGET SECRE

BUDGET UNDERSECRETARY MARIO RELAMPAGOS

EDUARDO ERMITA

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

JANET LIM-NAPOLES

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

RAFAEL NIETO

ROLANDO ANDAYA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with