Pinaghihinalaan na may kalaguyo…selosong mister pinatay ang misis

MANILA, Philippines -Binurdahan nang sak­sak ng isang mister ang kanyang 34-anyos na misis na pinaghihinalaan nitong may kalaguyo naganap kamakalawa sa  Binmaley, Pangasinan.

Kinilala ang nasawing ginang na si Edna Cari­no Cabrera na nagtamo ng malalalim na saksak sa iba’t ibang bahagi ng kata­wan na siyang dag­liang kumitil sa buhay nito.

Kusang loob namang sumuko sa pulisya ang suspek na si Edgardo Cab­rera, 37, ilang oras ma­tapos ang krimen na kung saan ay pinagharap ito ng kasong parricide.

Batay sa ulat, bandang alas-4:45 ng hapon nang magkaroon ng pagtatalo ang mag-asawa dahi­lan sa matinding selos ng mister sa kaniyang misis na umano’y may kalaguyo.

Ayon sa pulisya, madalas magtalo ang mag-asawa sa nasabing isyu ng umano’y kalaguyo ng nasabing misis na palagi umanong nakapustura at bukod dito ayon sa suspek ay nanlamig na ang pakikitungo sa kaniya.

Sa gitna ng pag-aaway ng mag-asawa ay nagdi­lim umano ang paningin ng mister at nakahagilap ng patalim at sunud-sunod na sinaksak ang misis.

 

Show comments