2 US Navy war ship dumaong sa Subic

SUBIC BAY FREE­PORT, Philippines-  Dumaong kahapon ng alas-4:00 ng hapon ang dalawang barkong pan­dig­ma ng US Navy na tinata­yang may sakay na humigit kumulang sa 3,000 Navy at  Marine personnel para sa port visit at upang dumalo sa ginaganap na joint-PH-US Military Exer­cise sa bansa.

Isa sa barko ay ang USS Boxer  na isang Wasp-class amphibious assault ship na may kapasidad na magpadala at tumangggap ng kahit anong klase ng helicopter para sa kanyang platform, ang isa naman ay ang USS New Orleans (LPD 18) na kung tawagin ay San Antonio-class trans­port dock ship na may mga sakay na 350 Navy officers at sailors at 800 Marines.

Ang dalawang  barko ay nakahanda para sumali at sumama sa USNS Emory S. Land and USNS Henson na ngayon ay nakadaong din sa Alava Pier dito sa Subic Bay Freeport.

Show comments