2 senglot nagduwelo, parehong dedbol

MANILA, Philippines - Kapwa patay ang da­lawang lalaking lasing matapos na magduwelo gamit ang baril at patalim kamakalawa ng gabi sa Brgy. Niog 2 Bacoor City, Cavite.

Ang mga nasawi ay nakilalang sina Mario Su­milang, 57, may-asawa, negosyante at Mark Sulaum, nasa hustong gulang  at kapwa residente ng Little Parañaque, Brgy Niog 2 ng lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-7:30 ng gabi ay kapwa lasing ang dalawa nang magkaroon ng mainitang pagtatalo hanggang sa magkapikunan.

Mabilis na sinugod ni Sulaum na armado ng patalim si Sumilang at inun­dayan mga saksak kahit may tama ang huli ay binunot nito ang dalang baril at pinagbabaril naman nito ang una.

Narekober ng pulisya ang 6 na basyo ng cal 9mm at ang patalim na ginamit.

Show comments