DTI hiniling na ipatupad ang price freeze

MANILA, Philippines -Nanawagan kahapon si Sen. Bam Aquino sa Department of Trade and Industry (DTI) at local government units (LGUs) na mahigpit na ipatupad ang price freeze sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity dahil sa malawakang pagbaha dulot ng Bagyong Ma­ring.

Ipinaalala ni Sen. Aqui­­no na dapat ay otoma­ti­kong ipinapatupad ang price freeze sa mga lugar na nasa state of calamity.

Sa ngayon aniya ay may kakulangan na sa supply bunsod na rin ng pagbaha at bagaman at kailangan ding kumita ng mga tindahan hindi naman dapat samantalahin ng mga negosyante ang sitwasyon.

Pinayuhan din ng se­nador ang publiko na magbantay laban sa mga tiwaling negosyante na magsasamantala sa sitwasyon at magtataas ng presyo ng paninda.

Aniya, maaaring ipa­rating ng publiko ang rek­lamo na may kaugna­yan sa presyo ng bilihin sa DTI Consumer Protection Hotline na (02)751-3330.

 

Show comments