Pekeng interpol gumagala

MANILA, Philippines - Nagbabala ang Philippine National Police (PNP) sa publiko na huwag magpalinlang sa pekeng organisasyon na ginagamit ang International Criminal Police Organization (ICPO) o INTERPOL na nagre-recruit ng mga miyembro kapalit ng donasyong salapi  sa iba’t-ibang panig ng bansa.

Ayon kay PNP Public Information Office (PNP-PIO) Chief P/Sr. Supt. Reuben Theodore Sindac, nag-isyu ng memorandum si P/Director Alex Paul Monteagudo, PNP Director for Operations laban sa recruitment ng nasabing pekeng INTERPOL. Inalerto rin ang lahat ng Police Regional Offices (PROs), National Support Units (NSUs) upang masusing i-monitor ang aktibidades  ng pekeng INTERPOLCOM na nagkukunwaring anti-crime civic organization na may national network na kontektado sa  INTERPOL na nakabase sa Paris, France.

Kabilang naman sa mga lugar kung saan na-monitor ang pagre-recruit ng pekeng INTERPOLCOM ay sa Nueva Vizcaya, iba pang bahagi ng Region 2. Hinihikayat naman ang mga personnel ng pulisya sa mga lalawigan na direktang makipag-ugnayan sa INTERPOL Manila National Central Bureau (NCB) Secretariat  sa pamamagitan ng telephone numbers (O2) 721416d2 at (02)7213045 hinggil sa makakalap na mga impormasyon sa naturang pekeng organisasyon.

 

Show comments